Taguig School packages tuloy-tuloy na ipimamahagi sa EMBO schools// Scholarship, lumarga na rin

Handang-handa na ang 14 EMBO schools sa pagbubukas ng klase sa Martes, Agosto 29 kung saan sabik ang mga estudyante na magamit ang natanggap na school packages mula sa lokal na pamahalaan ng Taguig.

Ang school package na ibinibigay ng Taguig LGU sa mga paaralan ay nakadepende sa grade level ng mga estudyante, ang bawat school package ay kinabibilangan ng bag, daily at PE uniforms, medyas, black shoes, rubber shoes at kumpletong set ng basic school supplies.

Sa daycare, kinder at elementary ay makakataggap ng 3 set ng uniform at 1 P.E set kung saan susukatan ang mga estudyante para dito, black shoes sa high school at rubber shoes sa mga pre school. Kumpleto din ang school kit na kinabibilangan ng backpack, writing notebook , composition notebooks, pad paper, jumbo crayons, 3 pencil, eraser, sharpener, scissor,ballpen,correction tape, fastener, art paper, glue rules, plastic envelope na may handle, emergency contact card, health kit bag, toothbrush, toothpaste, hand towel at alcohol spray.

Isa ang high school student na si Faith Nicole Daguio sa nakatanggap ng school package, aniya, nang malamang ililipat sila sa Taguig ay kinabahan ito dahil sa mawawala ang inaasahan nilang school benefits subalit nang mag-ikot at mamahagi na si Taguig City Mayor Lani Cayetano ng school package ay nawala na rin ang kanilang agam agam.

Personal na iniabot ni Mayor Lani ang school packages sa mga estudyante.

Sinabi naman ni Pitogo High School Administrative Officer Dr. Mary Rose M. Roque na ang pagtanggap nila ng school supplies sa Taguig ay hudyat ng pagtanggap nila sa pagbabago.

Samantala, inilarga na din ng Taguig ang kanilang Lifeline Assistance for Neighbors In-need (LANI) Scholarship Program para sa mga estudyante ng EMBO.

Hindi raw gaya sa Makati, hindi limitado sa 10% ng graduating class ang alok na scholarship ng Taguig bagkus bukas ito sa lahat ng year levels at hanggng sa nagrerebyu ng licensure examinations at post graduate studies.

May honor man o wala ang mga High school graduates ay maaring mag apply ng P15,000 hanggang P50,000 kada taon.

Nasa 40,000 hanggang 50,000 naman kada taon sa mga gustong mag aral sa premier colleges at universities at P15,000 sa mga gustong kumuha ng technical at vocational courses.

Sa mga nagrerebyu ng board at bar exams ay mayroong one-time assistance na P15,000 hanggang P20,000 at dagdag na P50,000 pa kung papasok sa Top 10. Nasa 3,200 licensed professionals na ang nakinabang sa nasabing programa.

Sa mga kumukuha ng Masters’ at Doctoral Degrees ay P18,000 hanggang P60,000 habang may tulong din na P50,000 na Thesis and Dissertation Grant o sa kabuuan ay nasa P110,000.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *