Mga Pilipino sa Jordan, pinaiiwas ng Philippine Embassy sa isinagawang rally doon

Pinayuhan ng embahada ng Pilipinas sa Jordan ang mga Pilipino doon na iwasan ang mga lugar kung saan may kilos-protesta.

Bukod dito, kailangan daw na nakasubaybay din ang Philippine Community doon sa mga abiso ng Gobyerno ng Jordan, Philippine Embassy at maging ang mga media outlets na mapagkakatiwalaan upang masubaybayan ang kasalukuyang sitwasyon.

Nagpaalala rin ang embahada ng Pilipinas na mag-ingat at maging alisto ang mga Pilipino doon sa lahat ng oras.

Inirekomenda rin nito na ipagpaliban na lamang ang mga lakad na hindi importante para hindi na madawit sa gulo.

Mababatid na nagsagawa ng demonstrasyon ang libu-libong Jordanians at Palestinians bilang pagsuporta sa Gaza.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *