PBBM, ipinag-utos sa mga ahensya ang mabilis na reintegration ng mga Pilipino sa Israel

Naglatag na ng direktiba si Pangulong Bongbong Marcos sa lahat ng mga relevant government agencies na paghandaan ang pagbabalik sa bansa ng mga Pilipinong naipit sa Israel-Hamas conflict.

Sabi ni Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega, ipinag-utos na ni Marcos ang mabilis na reintegration ng mga repatriated Filipinos sa oras na makauwi na sila sa ating bansa.

Kabilang sa mga naghahanda na ay ang iba’t ibang agencies gaya ng DMW, OWWA, pati na rin ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na magmumula sa DSWD.

Kasama diyaan ang educaitonal assistance na ibibigay sa mga anak ng mga overseas Filipinos.

Matatandaaang una nang sinabi ni de Vega na sa Lunes ay uumpisahan na ang repatriation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *