Mga Pilipino sa Morocco, mas piniling hindi muna umuwi sa kanilang mga bahay dahil sa aftershocks

Hindi pa nais bumalik ng ilang mga Pilipino sa kanilang apartments sa Morocco dahil sa takot sa aftershocks kasunod ng magnitude 6.8 na lindol na tumama sa bansa.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega, nagpadala na sila ng team na tutugon sa sitwasyon ng nasa 20 mga Pilipino na una nang napaulat na walang tinutuluyang bahay.

Paglilinaw ni De Vega, hindi pala kawalan ng matutulugan ang problema – kung ‘di talagang ayaw ng mga Pinoy sa lugar na umuwi sa kanilang mga apartments.

Nababahala umano ang mga ito, kaya binigyan na lang muna sila ng food supplies.

Samantala, kinumpirma naman ng opisyal na wala silang naitalang Filipino casualty matapos yanigin ng malakas na lindol ang Morocco.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *