Mga Pilipino sa Taiwan – ligtas, matapos ang panibagong serye ng malalakas na lindol

Inilagay na sa alerto ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga Migrant Workers Offices nito sa Taiwan matapos yanigin ng magkasunod na magnitude 6.0 at magnitude 6.3 na lindol ang Hualien County sa Eastern Taiwan kaninang madaling araw.

Ayon sa paunang ulat mula sa mga Filipino communities at leaders sa Hualien County, walang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nasaktan.

Sa ngayon ay nakikipag ugnayan na ang DMW sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa pangunguna ni Chairman Silvestre Bello III upang tiyakin ang kaligtasan ng ating mga OFW.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Bello, na ligtas ang mga Pilipino sa kabila ng panibagong serye ng malalakas na lindol sa Taiwan

Aniya, hindi naman gaano kalakas ang nangyaring lindol.

Matatandaang nito lamang April 3 nang yanigin ng magnitude 7.2 na lindol ang Taiwan kung saan ilang Pilipino ang nasugatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *