Mga programa para sa mga senior citizen, dapat pang palakasin – POPCOM

Dapat na magkaroon ng mas magaganda pang programa ang gobyerno para sa mga senior citizens sa bansa.

Ito ang sinabi ni Commission on Population and Development (POPCOM) Executive Director Usec. Juan Antonio Perez III, kasunod ng ulat na patuloy ang pagtaas ng bilang ng populasyon sa hanay ng mga nakatatanda.

Sa Laging Handa Public Briefing, iminungkahi ni Usec. Perez na dapat magkaroon ng preventive programs, community-based rehabilitation, at preventive health programs ang pamahalaan para sa mga senior citizens.

Bukod dito, isinusulong din niya ang pagkakaroo ng patakaran ukol sa employment ng mga senior citizens na magbibigay sa kanila ng iba pang oportunidad.

Batay sa datos ng POPCOM, dumoble ang bilang ng mga senior citizens mula noong 2000 hanggang nitong 2020 kung saan mula sa 4.5 million, pumalo na ngayon sa 9.2 million ang kabuuang bilang ng mga nakatatanda sa bansa.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *