Mga programa, proyekto ng Koronadal, exempted sa election ban

KORONADAL CITY — ISA ang lungsod ng Koronadal sa mga lugar kung saan exempted sa election ban ang iba’t-ibang mga proyekto o programa kasabay ng nagpapatuloy na campaign period para sa 2022 elections.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Atty. Janesa Mariam G. Ladjiman REB, city legal officer ng Koronadal, kinumperma nito na naghain sila ng petition upang payagan ang lungsod na maipagpatuloy ang mga social services at iba pang mga programa at proyekto.

Ihinalimbawa nito ang pamimigay ng burial, medical at calamity assistance at social pension sa mga senior citizens.

Marami umano silang dahilan upang ipaglaban sa Comelec en banc ang kanilang petition para sa nabanggit na exemption.

Dagdag pa ng opisyal na may guidelines ang lungsod na sinusunod upang hindi maituturing na partisan ang pagpapatupad ng nasabing mga proyekto at programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *