4 na umanoy tulak, naaresto; P74K na halaga ng shabu nakumspika sa Roxas, Isabela

Arestado ang apat na katao sa ikinasang anti-illegal drug buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Rizal, Roxas, Isabela.

Ayon sa PDEA Region 2, nagresulta rin ang naturang operasyon na isinagawa ng mga kasapi ng PDEA Quirino, Roxas Police Station at Regional Drug Enforcement Unit sa pagkakabuwag sa isang drug den.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina Alfredo Pedro Jr, 57 anyos, may asawa, vendor; Richard Baltazar, 43 anyos, may asawa, walang trabaho; Francisco Binoya, 51 anyos, na pawang residente ng Roxas, Isabela at  Angelou Maniego, 27 anyos, single, unemployed at residente naman ng San Pablo, Aurora, Isabela.

Nakumpiska ng mga otoridad ang walong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Tinatayang may timbang na humigit kumulang 11 grams ang nakumpiskang illegal drugs na nagkakahalaga ng 74,800 pesos.

Nakuha rin sa lugar ang assorted drug paraphernalia,buy bust money, tatlong unit ng cellphone, limang piraso ng heat sealed transparent sachet na mayroong residue ng hinihinalang shabu at sasakyan.

Dinala na ang mga suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa Roxas PS para sa karagdagang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Kasong paglabag sa section 5, 6, 7, 11 at 12 ng Article II ng RA 9165 ang kakaharapin ng mga naarestong indibidwal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *