Mga reklamo sa mga lumalabag sa ease of doing business act (EODB), kailangang i-direkta na sa CSC

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Civil Service Commission (CSC) Bicol na kinakailangang i-direkta sa kanila ang mga reklamo ukol sa paglabag sa ARTA law na ngayon ay tinatawag na Ease of Doing Business Act (EODB).

Sinabi ni CSC Bicol Regional Director Daisy Punzalan-Bragais sa panayam ng Brigada News FM Legazpi na sila ang magreresolba ng mga kaso o complain na matatanggap nila hinggil dito basta ang sinumang maghahain ng reklamo ay kinakailangang mag-comply ng mga formal requirements katulad ng under oath, in-writing at mga ebidensiya sa mga reklamong ihahain.

Aniya, kinakailangang sumunod sila sa mga requirements na ito upang ma-protektahan din ang mga empleyado ng gobyerno dahil hindi naman ito pwede iusad nang walang due process.

Sinabi niya naman na mayroon nang mga naunang naghain ng reklamo ngunit na-dismiss lang din naman dahil wala namang ebidensiyang magpapatunay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *