Mga residente sa Pag-asa Island, nababahala matapos mamataan ang mga barko ng China

Ikina-alarma ng mga taga-Pag-asa Island ang paglapit ng mga barko ng China sa kanilang isla.

Ayon sa mga residente pambihira ang kinikilos ng China dahil kung dati ay hindi na umaalis ang mga barko ng Chinese Coast Guard sa may kanlurang bahagi ng isla.

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na nakalapit ng 3.2 nautical miles sa Pag-asa ang CCG vessels.
Muli namang giniit ng China na sila ang may soberanya sa Pag-asa island at illegal ang pananatili roon ng mga Pilipino.

Sa tingin naman ng ilang political security analyst na ang mga bagong pagkilos ng China ay posibleng reaksyon sa gaganaping trilateral security meeting sa pagitan ng Pilipinas, Japan, at Amerika.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *