Mga SAP beneficiaries na nagkaproblema noon sa ibang detalye sa Olongapo nakapay-out na

OLONGAPO-Nakuha na ng ibang benipisyaryo ng Social Amelioration Program sa Olongapo ang kanilang benipisyo.

Ito ay ang mga benipisyaryo na nagkaroon ng problema noon sa ibang detalye pero naayos naman ng social welfare office at napatunayang kwalipikado sa programa.

Ayon kay City Social Welfare and Development Officer Jun Pascua, nitong nakalipas na June 15 at 16 ay nagpay out na ang DSWD Region 3 kada barangay.

Mula sa mahigit anim na raang benipisyaryo ay mayroon pa umanong mahigit isandaan ang hindi nakapunta.

May pagkakataon pa naman aniya ang mga ito na makuha ang ayuda hanggang sa June 30.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *