Lalake timbog sa buy bust operation ng mga pulis sa Paracale

CAMARINES NORTE- Timbog ang isang 19 anyos na binata sa isinagawang buy bust operation Huwebes ng gabi sa Purok 6, Barangay Tawig, Paracale, Camarines Norte.

Sa report ng Camarines Norte Police Provincial Office, kinilala ang suspek na si John Carlo Yebra y Taller, binata, residente ng Purok Perlas, Barangay Poblacion Sur sa naturan ding bayan.

Nakuha sa mula sa suspek ang anim na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang pakete na naglalaman ng hinihinalang dahon ng marijuana at buy bust money.

Si Yebra ay kabilang umano sa listahan ng recalibrated data base on illegal drugs.

Ayon kay Camarines Norte PNP Provincial Director PCOL Julius Guadamor, hindi titigil ang kapulisan sa lalawigan sa pagpapaigting ng kampanya kontra iligal na droga.

Aniya, hindi siya papayag na makapasok sa Camarines Norte ang malalaking sindikato ng droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *