Mga simbahan sa Naga City, dinagsa nitong Father’s Day

NAGA CITY- Dinagsa ng mga pamilya ang mga simbahan sa Naga City nitong Father’s Day.

May mga pamilyang maliit at malalaki, mayroon din namang extended family; kasama pa ang mga lolo at mayroon din namang mag-isa lamang.

Lalo pang nakita ang mga ama sa pag bendisyon. Naobserbahan din ito sa Metropolitan Naga Cathedral ni Rev. Msgr. Noe P. Badiola sa alas na misa pa lamang. Inalala nito sa homiliya ang pagiging ama ng Dios, kinilala ang mga mga ama na patuloy na nagsasakripisyo at nagiging lider o haligi ng mabubuting gawa sa loob ng pamilya at komunidad.

Dagdag pa nito walang perpektong ama, may nalilihis din ng landas at nadadapa, mga panahon aniya na kailangan niya ang gabay at panalangin ng pamilya.

Bukod sa mga simbahan marami din ang nagdiwang sa mga kaninan.

Nanatili naman ang pagbabantay ng mga otoridad sa mga matataong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *