Mga smuggler na kinasuhan ng BOC, pinangalanan ni Pangulong Marcos

Pinangalanan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga nakasuhang smuggler ng Bureau of Custom nitong nakalipas na linggo.

Kabilang dito ang San Pedro Warehouse, Blue Sakura Agri Grain Corporation, F.S. Ostia Rice Mill, at Gold Rush Rice Mill.
Sila ang mga warehouses na ni-raid ng Bureau of Customs sa lalawigan ng Bulacan.

Patong-patong na kaso ang kinakaharap ng mga ito partikular ang paglabag sa Modernization and Tariff Act, Rice Tariffication Law at sa Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

Sa pamamahagi ng bigas sa Taguig City kanina, muling binalaan ni Pangulong Marcos ang mga smuggler, hoarder, at mga sindikato na sumasabote sa ekonomiya ng bansa na itigil na ang kanilang masamang gawain.

At wala nang puwang sa Bagong Pilipinas ang mga nanlalamang at nang-aapi sa kapwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *