Mga tsuper ng jeepney sa Olongapo, pahirapan sa pangongolekta ng bente singko sintimos na barya

Nag-iipon ngayon ng tig-bente singko sintimos na barya ang mga driver ng pampasaherong jeepney sa Bataan, Olongapo at Zambales.

Ito ay makaraang magbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa mga tsuper na masasangkot sa hindi pagsusukli ng eksakto sa mga pasahero.

Ayon kay OLOZAMBAT Transport Federation Chairman Rey Abrenilla, hindi na sinisingil ng mga tsuper kapag sintimo lang sobra sa pamasahe na ikinokondera ng batas na undercharging at overcharging naman kung hindi eksakto ang sukli.

Dahil dito, obligado ngayon ang mga driver at jeepney operator na maghanap ng singko at 25cents na barya para tiyaking walang matatanggap na reklamo mula sa mga mananakay.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *