Mga unibersidad sa Pilipinas bigong makapasok sa Top 100 ng 2024 THE Asia University Rankings

Bigong makapasok ang mga unibersidad sa Pilipinas sa Top 100 ng 2024 The Asia University Rankings.
Ang dating ika-84 na pwesto ng Ateneo de Manila ay bumagak sa 401-500 na bracket.

Parehas namang nasa 501-600 bracket ang University of the Philippines at De La Salle University.

Habang ang Mapua University ay pumasok sa ika-601 bracket.

Samantala, sa unang pagkakataon ay nakapasok sa ranking ang University of Santo Tomas kung saan napabilang ito sa 601 bracket.

Noong nakaraang taon ay nakapasok ang UST sa reporter status ito ay ibinibigay sa mga pamantasang nagbigay ng impormasyon sa Times Higher Education ngunit hindi pumasa sa criteria para pumasok sa rankings.

Ngayong taon, nakatanggap din ng reporter status ang siyam pang unibersidad sa bansa gaya ng Cebu Technological University, Tarlac Agricultural University, at Visayas State University.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *