Mga uuwi mula sa ibang lugar na nakatanggap na ng 1st dose COVID- 19 vaccine maaari nang magpaturok ng 2nd dose dito sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Provincial Health Office (PHO) nitong Huwebes na maaari nang magpaturok ng 2nd dose ng COVID- 19 vaccine dito sa lalawigan ng Camarines Norte ang mga uuwi mula sa ibang lugar na nakatanggap na ng first dose.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na magpapalabas siya ng memorandum sa lahat ng mga Rural Health Units (RHU) na nag aatas na bakunahan ng 2nd dose ang mga umuwi  mula sa ibang lugar na nakatanggap na ng first dose upang maging fully vaccinated na ang mga ito.

“Pinapayagan na namin dito na magbakuna if ever na galing ka sa Maynila, first dose, at dumating ka dito at kailangan mo ng second dose, babakunahan po namin dito sa PHO o saan mang facility dito sa probinsya,” ani Francisco.

 “Magpapagawa ako ng isang memo going to the different RHU para bakunahan nila yung mga umuuwi dito na hindi pa nagkaroon ng 2nd dose at bigyan ng 2nd dose para magkaroon siya ng full vaccination.”

Nilinaw rin ni Francisco na hindi kailangang umulit ng bakuna o bumalik sa first dose kung nalagpasan ng schedule ng 2nd dose.

Kinakailangan lang umanong magpa re- schedule at dalhin ang vaccination card o form sa pagtanggap ng ikalawang dose.

Wala naman aniya itong epekto maliban sa pagkaantala ng pagiging “fully vaccinated.”

Mahalaga umano na fully vaccinated na ang isang para maging epektibo ang bakuna.

“Ang policy diyan kapag ikaw ay naka- schedule ng second dose at hindi ka dumating sa second dose magpa re- schedule ka at ikaw ay babakunahan sapagkat yung second dose mo ay nakapangalan na saiyo, naka reserve na para sayo yan, so anytime basta available kana even though na nag exceed kana dun sa buwan na dapat ka magpapa- inject, anytime pwede kang bumalik at magpa- inject ng 2nd dose.”

“Wala namang epekto yun kaso lang nadi- delay lang natin yung pagiging fully vaccinated ka, so kailangan kasi ang affectivity ng bakuna kapag ikaw ay full vaccine dapat 12 weeks after okey kana, so unless na hindi nababakunahan ng 2nd dose, ibig sabihin yung karagdagang immunity dun sa loob ng katawan mo hindi pa talaga totally na 100 %”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *