Lawa sa Utah, inulan ng isda!

Utah, U.S.A— Mala fairytale ang eksena ng isang lawa sa Utah matapos itong  paulanan ng mga isda.

Ibinahagi sa social media ng Utah Division of Wildlife Resources sa USA ang kanilang video kaugnay ng kanilang programa na pagpaparami ng populasyon ng mga isda sa kanilang mga lawa.

Sakay ng eroplano,  pinakawalan nila ang 35,000 buhay na mga isda na may sukat na 3-5 pulgada.

Isinasagawa nila ang ganitong aktibidad sa mga lawa ng Utah kung saan bibihirang puntahan ng mga tao at malayo sa mga kalsada.

Ang pagpapaulan ng mga isda ay matagal ng ginagawa ng Utah mula pa noong mid 1950’s na tinatawag nilang Aerial fish stocking.

Epektibo umano ito kaya hangang ngayon ay patuloy parin nila itong ginagawa.

Isa ang Aerial fish stocking sa mga aktibidad na magandang gawin para sa repopulation ng mga isda.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *