Michelle Madrigal, may love life na uli matapos ang divorce

Ibinahagi ng single mom na si Michelle Madrigal na nakikipag-date na siyang muli ilang buwan matapos maaprubahan ang divorce nila ng dati niyang mister na si Troy Woolfolk.

Sa Instagram, nag-post si Michelle ng larawan kung saan kasama ang isang lalaki habang nasa beach sa Canyon Lake sa Texas.

Sa kanyang YouTube vlog, sinabi ni Michelle na divorced narin at may mga anak na ang kanyang idinidate.

Para sa aktres, walang problema ito sa kanya, at match rin umano ang kanilang lifestyle.

Matapos nito, ay wala nang masyadong binabanggit na detalye si Michelle tungkol sa lalaking kasama niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *