Misis sa India, inorganisa ang kasal ng kanyang mister at ng kalaguyo nito

KONTROBERSIYAL ngayon sa bansang India ang kwento ng isang misis na piniling maging wedding coordinator ng kasal ng kanyang mister at ng kalaguyo nito.

Batay sa kwento ni Vimala – isang sikat na Youtuber sa nasabing bansa, naging masaya naman aniya ang kanilang naging pagsasama ng asawang si Kalyan mula nang sila ay magpakasal.

Ang kanilang pang araw-araw na buhay bilang mag-asawa ang content o nilalaman ng kanilang mga vlogs kung kaya’t kilala sila ng mga tao na sumusubaybay sakanilang channel.

Nagbago lamang umano ang lahat nang magsimula siyang makaramdam ng panlalamig mula sa mister na si Kalyan at kanyang natuklasan kalaunan ang pakikipag apid nito sa isa ring vlogger na si Nitya Sree.

Ganunpaman, sa halip na magalit at kamuhian ang asawa pumayag si Vimala sa hiling ng kanyang mister na magpakasal ito sakanyang kabit na si Nitya Sree at magsama silang tatlo sa iisang bahay.

Bukal sa kalooban itong tinanggap ni Vimala at naging usap-usapan sakanilang komunidad ang kanilang kwento matapos pa nitong i-organisa ang kasal ni Kalyan at Nitya.

Bukod sa pagpapa reserve ng templo at venue, si Vimala din ang nangasiwa sa catering, sa isusuot ng bride at sa iba pang mga kinailangan para sa naturang seremonya.### JDR, BNFM BICOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *