Miss Crimea, pinagmulta dahil sa pagkanta sa popular Ukrainian song

Pinagmulta ang dalawang babae sa Moscow-annexed Crimea, kabilang na si Miss Crimea, matapos mapatunayang guilty nag pag-discredit sa Russian army, sa pamamagitan umano ng pagkanta sa Ukrainian patriotic song sa isang video na ipinost sa social media.

Una nito, kinanta nina Olga Valeyeva na nanalo sa Miss Crimea 2022 beauty pageant at isa pang hindi pinangalanang kaibigan ang popular na Ukrainian “Chervona Kalyna” song sa balcony.

Ang video ng mga ito na kumakanta ay nakapost sa Instagram stories, na naka-auto-delete matapos ang 24 na oras.

Ayon sa Crimean police, ang beauty queen ay pinagmullta ng 40,000 rubles (680 euros), habang ang kaibigan nito ay binigyan ng 10-day prison sentence.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *