MMDA, magpapatulong na sa NBI sa probe re: bentahan ng COVID-19 vaccination slots

Hihingi na umano ng tulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa National Bureau of Investigation (NBI) sa pag-iimbestiga kaugnay ng umano’y pagbebenta ng COVID-19 vaccination slots. 

Ayon kay MMDA chairperson Benhur Abalos, magpupulong sila ng NBI ngayong araw at hahawakan ng NBI cybercrime ang kaso kung sakali.

Aniya, mayroon nang lead para sa mga nasa likod ng nasabing pagbebenta ng vaccines na libreng ibinigay ng pamahalaan. 

Tiniyak ni Abalos na gagamitin ng gobyerno ang full extent of the law laban sa mga nasa likod nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *