Modern PUV mini caravan, isinagawa ng LTFRB Region 2

Nagsagawa ngayong araw ng Modern PUV Mini caravan sa Isabela Convention sa lunsod ng Cauayan upang pag-usapan ang kaugnay sa modernization program ng pamahalaan.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni LTFRB Region 2 Regional Director Edward Cabase kung saan kabilang sa mga dumalo rito ang mga transport Cooperatives and Corporations mula sa lalawigan ng Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino, Land Bank at DBP.

Ayon kay RD Cabase, layunin ng naturang forum na mapakinggan ang mga suliranin ng bawat kooperatiba at korporasyon sa pagproseso ng kanilang mga requirements para sa pag-avail ng modern PUVs.

Samantala, ayon pa sa direktor wala pang sampong porsyento ng mga kooperatiba sa buong rehiyon ang nakilahok sa modernization program ng pamahalaan.

Kaya naman patuloy umano ang kanilang paghihikayat sa mga kooperatiba dahil malaki ang benepisyo at kaginhawaan na idudulot nito hindi lamang sa kanila kundi pati na rin sa mga mananakay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *