Moscow nagpatupad ng lockdown matapos maitala ang 1,159 COVID-19 death sa loob ng 24-oras

Muling isinara ang mga shops, restaurants at eskuwelahan sa Moscow Russia kasabay ng partial lockdown sa gitna ng paglaban sa COVID-19 death at infections.

Ayon sa report, tanging mga essential shops tulad ng mga botika at supermarket ang pinapayagang magbukas sa capital city.

Maaari namang magbukas ang mga bilihan ng pagkain pero pang-takeout lang ang pinapayagan.

Maliban sa pagsasara ng ilang mga establisyemento, binigyan ng mga otoridad ng 9-days off ang mga manggagawa sa Russia para mapigilan ang mas pagkalat pa ng COVID-19.

Una nang naitala ang 1,159 na death ang Russia sa loob lamang ng 24 oras.

Naitala ang 40,096 na mga bagong infections sa 85 rehiyon sa Russia na panibagong record high mula nang magsagawa ng major lockdown noong May hanggang June ng taong 2020.

Ang Russia naman ang itinuturing na highest death toll sa Europa kung saan naitala ito sa mahigit 230,000.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *