Hihingi na ng tulong sa mga nursing graduate ang Local Vaccination Operations Center o LVOC ng Zambales.
Ito ay para madagdagan ang mga vaccinator kontra corona virus disease sa lalawigan.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Noel Bueno, kahit pa sapat na ang dami ng mga anti-covid19 vaccines ay mananatili pa ring mabagal ang pagbabakuna dahil sa kakulangan sa manpower.
Sa ngayon nasa mahigit labinlimang porsyento pa lang ng 70% target pupolation ang nababakunahan sa probinsya ng Zambales.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO