Most Rev. Alarcon, mainit na sinalubong bago ang pag upong Arsobispo ng Caceres

NAGA CITY – Nag-abang sa ilang mga pangunahing kalsada ng Naga City ang maraming mga katoliko at mga estudyante sa pagdating ng uupong Arsobispo ng Caceres Most Rev. Rex Andrew C. Alarcon, DD.

Matapos ang Liturgical Reception sa Gainza , Camarines Sur, dumiretso  si Alarcon sa Our Lady of Peñafrancia Minor Basilica and National Shrine para sa maikling seremonya sa  Entrustment kay Inang Peñafrancia. Puno ang simbahan ng ilang mga grupo at mga galing sa maraming parokya.

Inaalala nito ang mga panahon na nanalangin pa lamang siya kay Ina na tulungan sa pagpari kasabay ng muling paghingi ng gabay sa panibagong tatahaking landas.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *