Most wanted sa kasong Statutory Rape sa MIMAROPA, nahuli sa Cagayan

Himas-rehas na ang isang Joseph Leada Arqueza a.k.a. Bibong, 42 anyos na residente ng Brgy Liminangcong, Taytay, Palawan na kinasuhan ng Statutory Rape na walang pyansa.

Nahuli ang akusado bandang alas-diyes ng umaga nitong Miyerkoles, July 12 sa Brgy. Centro, Santa Ana, Cagayan.

Hinuli ito ng mga tauhan ng CIT, PRO2 kasama ang Sta Ana MPS, PIU Palawan PPO,  CIT PRO4B, PIT Cagayan North, RIU 2 IG, and RIU 4B IG , bitbit nila ang arrest warrant ng Most Wanted Person.

Ang suspek ay naging Most Wanted sa Region $B at naglaan pa ng halagang Php130,000.00 para ito ay mahuli.

Inireklamo umano ito ng pang-aabuso sa pamangkin na babae sa dati nitong asawa sa bayan ng Taytay, Palawan noong taong 2015, ayon sa Philippine National Police.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *