MPS ng Pto Diaz at Bulan, ginawaran ng parangal sa pagkahuli ng kani-kanilang No. 1 MWP

Ang Monday Flag Raising Ceremony ay hindi lamang ipinagdiriwang ang pambansang watawat kundi ipinapakita rin ang pagpapahalaga ng PNP sa mga kahanga-hangang kontribusyon ng mga tauhan nito.

Sa mahalagang okasyon na ito, ginawaran ng parangal ang ilang tauhan ng Municipal Police Station ng Pto Diaz at Bulan sa pagkahuli ng kani-kanilang No. 1 most wanted person.

Kung babalikan, naaresto noong Hunyo si Romulo Ebuenga Dia sa kanyang pinagtaguan sa Camarines Norte dahil sa kasong 2 counts of rape. Nagtago ito ng halos apat na taon matapos ang ginawang krimen noong 2019.

Si Dia ay itinuturing na Rank No. 1 most wanted person ng Pto Diaz Municipal Police Station.

Binigyan naman ng commendation ang mga tauhan ng Bulan MPS  dahil sa pagkahuli ng kanilang No. 1 most wanted person.

Kinilala ang akusado na si Aladino Pacres Alemania na may kinakaharap na limang warrant of arrest sa kasong rape kabilang ang isang paglabag sa RA 9262 o VAWC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *