Motorsiklo bumangga sa concrete barrier, 2-patay

Patay ang isang guro at kamag-anak nito habang sugatan ang isa pa matapos bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa concrete barrier sa Barangay Bicud, Lal-lo, Cagayan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Al Zailo Mendoza, 24-anyos, guro at drayber ng motorsiklo at angkas nitong si Roosevelt Gerardo habang nasa ligtas nang kalagayan ang isa pa na si Jayruss Lloyd Gerardo, 31-anyos na pawang residente ng Barangay Centro 3, Lasam, Cagayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Gattaran na binabagtas ng mga ito sakay ang motorsiklo ang pakurbadang bahagi ng daan nang bumangga sila sa isang konkretong harang.

Dahil sa lakas ng impact ay tumilapon ang tatlo dahilan upang magtamo ang dalawa ng matinding pinsala sa ulo.

Napag-alaman na naka-inom ng nakalalasing na inumin ang tatlo at wala ring suot na helmet dahil galing umano ang mga ito sa isang birthday party at bibili sana sa isang convenient store nang mangyari ang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *