Mountain barangays sa Lagonoy inakyat para sa “serbisyo caravan”

NAGA CITY—Tinawid ang ilang sapa,  dagat at nilakad ang matitirik na daan patungo sa ilang malalayo o far-flung Barangay sa Lagonoy ng mga kawani at ilang opisyal sa pangunguna ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol, Department of Trade and Industry (DTI), Department of Interior and Local Government (DILG) , Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Agrarian Reform (DAR), Philippine Army (PA), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection(BFP) , Public Employment Services Office (PESO), Rural Health Unit (RHU) at iba pang tanggapan para ilapit ang serbisyo caravan at solution-seeking dialogue sa mga residente sa lugar.

Sa ipinadalang impormasyon ni Joana Gasga, tagapagsalita ng DOLE Bicol, personal nilang tinungo ang Barangay Sta. Cruz, Guibahoy, at Sitio Pagsimbugan sa Mapid bilang pagtalima sa pangako ni Labor Sec. Bienvenido Laguesma para sa responsible and responsive institution na layong abutin ang mga nangangailangang manggawa kahit sa pinakamalayong lugar sa bansa.

Aniya may mga komunidad sa Camarines Sur ang naghihirap dahil sa epekto ng local armed conflict na kadalasan nangyayari sa mga malalayong Barangay sabayan pa ng kahirapan sa buhay.

Kung kaya sa pamamagitan ng programa ng ahensya ay malalaman nila kung ano ang mga pangangailangan ng mga tao sa lugar pagdating sa paggawa at hanapbuhay.

Sa pamamagitan rin ng isinagawang dayalogo at konsultasyon ay makakapagbigay sila ng rekomendasyon at tulong-programa sa tulong narin ng mga nabanggit na opisina.

Aabot naman sa 200 ang benepisyaryo ng libreng serbisyo sa pagkuha ng mga dokumento tulad ng cedula, marriage license, birth registration, police clearance, vaccination, medical check up at iba pa na ginawa mismo sa naturang mga lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *