Muling pagtatambal ng JoshLia, suportado ni Gerald Anderson

Susuportahan daw ni Gerald Anderson ang kanyang girlfriend na si Julia Barretto sa muling pagtatambal nito kasama ang ex-boyfriend at ex-loveteam na si Joshua Garcia.

Saad ni Gerald, excited siyang mapanuod ulit sa pelikula ang kanyang girlfriend dahil bukod sa comeback ito ng dating loveteam, comeback movie rin ito ni Julia.

Malinaw rin daw sa kanya na maraming naghahangad na magkaroon ng pelikula ulit ang dalawa, lalo na ang mga JoshLia fans.

Mahigit apat na taon na kasing huling nakitang magkasama ang dalawa sa big screen.

Maalalang noong Abril ay isinapubliko ng dalawa na muli silang bibida sa isang romance-comedy film na pinamagatang ‘Un/Happy For You’.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *