Mayor at Vice Mayor ng Antique – nagsuntukan

Pumagitan na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos mauwi sa suntakan sa pagitan ng alkalde at bise-alkalde ng bayan ng Tobias Fornier sa Antique ang pamamahagi ng food packs mula sa ahensiya.

Ayon kay DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, inatasan na ng ahensiya ang regional director ng Field Office 6 para kausapin sina Mayor Ernesto Tajanlangit III at Vice Mayor Jose Maria Fornier upang tiyakin na maihahatid ang mga family food packs sa mga naapektuhan ng El Niño sa bayan ng Tobias Fornier.

Tiniyak din ng DSWD official na masusunod ang distribution list.

Pinaaalalahanan din ang Antique provincial government na ang pamamahagi ng food packs ay nangangailangan ng pahintulot mula sa DSWD alinsunod sa nakasaad sa relief prepositioning agreement.

Sa naturang kasunduan, pinapayagan ang ahensiya na mag-preposition ng food packs sa mga bodega sa strategic locations sa bansa para sa mas mabilis na paghahatid ng mga ayuda sa panahon ng sakuna o emergencies.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *