Multi-billionaire CEO sa U.S., nilibre ng trip to Walt Disney ang kanyang 10,000 na mga empleyado

ISANG bilyonaryong negosyante sa U.S ang nagbigay ng libreng bakasyon sakanyang 10,000 mga empleyado bilang kanyang pasasalamat sa matagumpay at produktibong pagta-trabaho ng mga ito sakanyang kompanya.

“All expense paid trip” sa Walt Disney World ang naging maagang pamasko ng CEO na si Ken Griffin ng kompanyang Citadel LLC kung saan kanyang sinagot ang ticket sa eroplano; hotel accommodation; pagkain at maging concert tickets ng kanyang mga empleyado kasama pa ang pamilya ng mga ito.

Sa isang panayam, inihayag ni Griffin na ito ay kanyang pasasalamat sa mga empleyado dahil sa dedikasyon ng mga ito sakanilang trabaho na siyang dahilan kung bakit naabot ng kompanya ang kanilang success ngayong taon.

Batay sa Forbes Magazin, si Griffin ay ikinokonsidera bilang 40th richest person in the world kung saan umaabot sa $31.7 USD ang kanyang total net worth.### JDR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *