Naga City 15-araw nang walang COVID-19 active case

NAGA CITY- 15 araw nang walang aktibong COVID-19 case ang Naga City, napanatili rin  ang pagiging Alert Level 1 base sa huling assessment ng Interagency Task Force (IATF) hanggang Mayo 30, 2022.

Ito ay base sa tala ng Health Emergency Response Task Force. Pero para kay Rosita Ajero Healthcare worker ng Barangay Balatas, hindi dapat na makampante lalo na inanunsyo ng Department of Health na mayroong local transmission ng Omicron subvariant. Sinabi nito na alam naman nilang marami na ang ayaw magsuot ng facemask pero sumusunod parin naman ang karamihan.

Ang Barangay Balatas ay isa sa mga dinarayong Barangay sa Naga, nasa Magsaysay Avenue ang ilang mga kilalang establishments, simbahan, hotel, kainan, restobars at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *