Libreng sakay sa ilalim ng service contracting program, nagsimula na sa Tabaco City-LTFRB Bicol

LEGAZPI-Nagsimula ng iimplementa ang Service Contracting Program Phase 3 sa lungsod ng Tabaco sa Albay.

Ang launching ang pinangunahan ng mga kawani ng LTFRB Project Implementation Unit (PIU.

Opisyal na itong nilaunch sa Tabaco Central Terminal in Tabaco Albay at binigyan ng guide ang mga PUV units at status ng mga mananakay sa oras ng pilot implementation para maayos ang operasyon ng libreng sakay.

Kung matatandaan noong isang araw inemplementa na ang libreng sakay sa mga rutang TABACO- LEGAZPI.

Inaasahan rin na marami pang ruta sa bicol region ang magbubukas ang programa sa susunod na linggos para matulungan ang mga drivers maging mga pasahero.

Kung maaalala ang nasabing programa ang sa ilalim ng General Appropriations Act 2022, na nilaanan ng pondong P7 billion para sa aabot 13,000 -15,000 PUVs na mayroong 1,000 ruta sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *