Nagpa-booster shot umano vs Covid-19, hiniling sa LGU na maimbestigahan.

Ninanais ngayon ng isang concerned citizen na gusto ring mabakunahan kontra COVID-19 na maimbestigahan ng lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa ang impormasyon na mayroong nagpa-booster shot umano kontra sa Covid19 kamakailan sa Puerto Princesa.

Sa ipinadalang screenshots sa Brigada News, mababasa sa comment section ng isang uploader na sinabi ng isang vaccinee na nabakunahan na siya ng dalawang dose ng Sputnik V at ipinagmalaki pa nito sa uploader na nabakunahan din daw siya ng isa pang Covid vaccine na Johnson and Johnson (Jansen).

Ang screenshots ay mula sa mapagkakatiwalaang source ng Brigada News FM, at sinabi pa nito na nadismaya siya dahil pinagyabang pa ng vaccinee na nabakunahan siya ng tatlong beses samantalang marami ang gusto nang mabakunahan subalit ang sa iba ay labis o sobra.

Pinadala nito ang screenshots sa Brigada matapos niyang malaman na tinitiyak ni vaccine czar at chief implementer of the National Task Force (NTF) Against COVID-19 Secretary Carlito Galvez Jr. na hahabulin ang mga nagpapaturok ng tatlong dose ng bakuna coronavirus disease (COVID-19).

“Opo. Kasi po nag-abang at naghintay din ako ng matagal para mabakunahan. Then nagssearch ako sa facebook ng mga nabakunahan ng Janssen kung may mga post about side effects kasi yun binakuna sakin.Nakita ko lang yung post na yan at nabasa sa comments section. Sakto pa na taga Palawan. Pero di ki kakilala mga yan. Kahit yung nagpost di ko kilala. Ayun parang di ko nagustuhan, na pinagyayabang pa. Samantalang ang daming taong nakapila at umasa nung time na yun na mabakunahan tapos may mga taong nagmamalabis.” – Source

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *