Nagueño na may problema sa mata handang tulungan ng Resource Center for the blind

NAGA CITY –Ngayong taong 2024, may karagdagang programang nakakabit sa Naga City Resource Center for the Blind kabilang na iyong nangangailangan ng salamin, kailangan na magpa check-up at kahit  malala na at kailangan ang operasyon ay tutulungan pa rin ng Persons With Disability Affairs Office o PDAO.

Sinabi sa Brigada News Fm Naga ni Atty. Paul John Barrosa, head ng PDAO na bukas ang opisina nilang ito para patuloy na magbigay ng serbisyo sa mga taga lungsod na may problema sa mata.

Anya’y kung hindi pa naman malala ang mga mata, salamin muna ang ibibigay nila at kung kailangan ng operasyon ay agad nila itong ire-refer sa kanilang mga doctor para sa agarang gamutan, magtungo lamang ang ito sa kanilang opisina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *