Naipangakong Halal Hub sa Muslim Community sa Naga City noon pang 2018 hindi pa rin naisasakatuparan ngayong 2024

NAGA CITY – Hindi pa rin naisasakatuparan ng LGU-Naga ang Halal Hub o restaurant, lugar na may mga pagkaing para sa Muslim Community na una na ring ipinangako noon pang taon 2018, anim na taon na ang nakakalipas ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin.

Dapat anya, magkaroon na rin sa Naga City dahil sa tumataas na rin ang populasyon ng mga Muslim sa lungsod, na gusto ng matikman ang mga halal foods, ayon sa naging pahayag sa Brigada News Fm Naga ni Mike Mustapha, Head ng Muslim Community Affairs Office sa lungsod.

Sinabi niyang ang ibang lungsod o lalawigan ay nakakuha na ng certification para magkaroon nito, ngunit sila ay wala pa dahil na rin marahil sa mga problema, sabi pa Mustapha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *