Naismith Trophy, dumating na sa PH para sa FIBA qualifiers

Dumating na sa Pilipinas ang prestihiyosong FIBA Basketball World Cup trophy bilang bahagi ng series ng global appearances.

Ang Naismith Trophy ay una nang ipinakita noong 2017, at ikinokonsidera ngayon bilang ultimate prize sa international basketball.

Gawa sa halos lahat gold, makikita rin dito ang roll of honor ng lahat ng sport’s world champions.

Sinabi naman ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio, na makita nang malapitan ang trophy at nang personal, ay isa once-in-a-lifetime experience para sa basketball fans.

Ang trophy ay ipaparada sa Araneta Coliseum kung saan gagawin ang FIBA World Cup Asian qualifiers mula February 24 hanggang 28, at maari naman itong makita ng mga fans sa Smart Store sa SM Mall of Asia sa February 23.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *