Naitalang insidente ng PNP kaugnay ang Oplan Ligtas Paskuhan 2023, umakyat na sa 156

Umakyat na sa 156 ang insidenteng naitala ng Philippine National Police na may kaugnayan sa kanilang Oplan Ligtas Paskuhan 2023.

Ayon sa PNP Public Information Office, kabilang sa mga nasabing insidente ang firecrackers related injuries, illegal discharge of firearms, iligal na pag-iingat at pagbebenta ng mga paputok, at sunog dahil sa paputok.

Umabot na rin sa 108 ang mga naitalang injured dahil sa mga insidenteng ito habang labing siyam katao ang naaresto.

Patuloy ang mahigpit na pakikipag-ugnayan ng PNP sa mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga batas dahil hangad nila ang mas ligtas at masayang bagong taon para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *