DOH, nakataas na sa Code White Alert Status para sa Bagong Taon

Nakataas na sa “Code White Alert Status” ang pamunuan ng Department of Health hanggang sa January 4 ng susunod na taon.

Ito’y bilang paghahanda sa panahon ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon sa DOH, ang code alert system ay nahahati sa tatlo.

Ang white, blue, at red alert.

Sa ilalim ng Code White Alert, ang mga ospital ay inaasahang pagaganahin ang kanilang Operations Center (OPCEN), na patuloy na makikipag-ugnayan sa mga regional at central DOH OPCENs.

Magkakaroon din ng maraming gamot at iba pang supplies sa emergencies at operating rooms.

Ang iba pang pangangailangan tulad ng xray plates, laboratory requirements at iba pa ay magagamit din ng libre ng mga pasyente.

Magkakaroon din ng mas malaking pondo, mas maraming doktor at nurse na magbibigay ng serbisyong medikal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *