Naitalang insurhensya sa lalawigan hindi rason para maliitin ang mga programa ng pamahalaan – DILG-Sorsogon

SORSOGON CITY – Nilinaw ng Department of Interior and Local Government (DILG) Sorsogon na hindi ibig sabihin na mayroon pa rin na naitatalang mga insidente ng insurhensya sa lalawigan ay palpak na ang mga programang itinataguyod ng pamahalaan.

Paliwanag ng pinuno ng DILG Sorsogon na si Julius Rodel Cal-Ortiz, bagama’t maraming magkakahiwalay na programa ang pamahalaan laban sa insurhensya, ‘harmonic approach’ o tahimik na pamamaraan ng pagpapasuko ang karaniwang ginagamit ng pamahalaan.

Aniya, tulad na lamang umano ng kanilang programang  tinatawag na Retold Community Support Program (RCSP) kung saan dapat na tinitingnan din ng publiko kung malakas pa rin ang presensiya ng rebeldeng grupo sa mga liblib na lugar.

Dagdag pa ng opisyal, ang ginagawa umanong panggugulo ng mga rebelde ay isang uri ng panlilinlang upang lituhin ang isipan ng mga mamamayan at ipakita na  hindi sila natitinag sa mga programa ng gobyerno na wala umanong katotohanan.

Ibinida ng opisyal na kahit pa nakapagtala na naman ng sagupaan sa pagitan ng pamahalaan at mga makakaliwang grupo, ang pagsuko ng maraming aktibong miyembro ay sapat na batayan upang ipakita na epektibo pa rin ang lahat ng mga hakbangin ng pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *