PTCAO-Sorsogon idinipensa ang renobasyon ng Bulusan Natural Park; environment protected areas, napanatili

SORSOGON CITY – Pinawi ng Provincial Tourism Culture and Arts Office (PTCAO) Sorsogon ang agam- agam ng marami sa ginawang renovation ng Bulusan Nature Park na una nang  kwinestyon dahil sa umano’y pagkasira ng mga likas na yaman sa lugar dahil sa mga imprastraktura.

Sinabi ni PTCAO Sorsogon head Bobby Gigantone na walang ginalaw sa naturang lugar nang hindi base sa rekomendasyon at approval ng mga concerned agencies gaya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Regional Office 5.

Aniya, sa pagbubukas nito ngayong buwan tiyak na mawawala na ang mga ganitong pag- iisip ng publiko na minsan ay nahahaluan ng pamumulitika kung saan pagtitiyak ng opisyal mas maganda at dekalidad na serbisyo ng turismo ang ibibigay ng Bulusan Natrue Park ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *