Nang dahil sa birthdate ng magulang at kapatid, lalaki sa Cebu naging milyunaryo!

Swerte swerte lang daw ang mga tumatama sa lotto. Sa dami kasi ng mga posibleng kumbinasyon ng mga numero, gaano nga ba kalaki ang posibilidad na makukuha mo ang mga ito?

Pero isang 41-anyos na lalaki sa Cebu ang hindi nagsawang magbakasakali sa swerteng matagal niya nang inaasam, at sa ika-13 taon nang kanyang pagbabakasakali ay swerte nga na nakuha niya ang lotto jackpot na aabot sa mahigit P120 million.

Ayon sa lucky winner, kumbinasyon ng mga petsa ng kaarawan ng kaniyang mga magulang at mga kapatid ang kanyang pinanghawakang numero sa loob ng 13 taon.

Ito ay ang mga numerong 07-13-05-25-28-03, na lumabas sa draw ng Grand Lotto 6/55 noong August 30, 2021.

Tumatagingting na P120,063,346.80 ang napanalunan ng solo winner na ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) isang government employee sa Cebu City.

Ayon sa nanalo, gagamitin niya ang pera sa pagpapagamot ng kaniyang ina na na-stroke, at ibabayad din sa mga utang. Ang iba ay ipupuhunan daw nito sa Mutual Fund at ilalagay sa time deposit. || Shiela Madrigalejos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *