Nakapagparehistro na sa Albay pumalo na sa mahigit 40K-Comelec

LEGAZPI CITY – Inihayag ni Atty Aurea Bo Bunao ang head ng Provincial Comelec ng Albay na sumampa na sa mahigit 40K ang nagparehistro sa bawat comelec offices sa nasabing lalawigan simula ng buwan ng Hulyo hanggang Setyembre.

Ayon sa Comelec Albay, aabot sa 40, 263 ang nagparehistro sa nasabing peryodo.

Sa kabuuhan nasa 832 528 ang registered voter as of July 19 2021 habang 14, 287 nitong buwan ng Abril hanggang Hunyo.

Aabot sa 77, 500 ang application processed simula ng Setyembre 1 hanggang 17, 2021.

Dagdag pa nito, pumalo na rin sa 41, 763 ang new voters registration habang 16, 790 ang transfer at 7, 058 ang nakapagreactivation sa comelec.

Nakapagtala rin ng ahensya ng 3, 761 na satellite registration ngayon buwan ng Setyembre habang umabot sa 25 para sa online reactivation.

Panawagan ng opisyal, sa mga hindi pa nakakapagrehistro ay magtungo na sa kani-kanilang comelec offices at huwag ng hintayin pa ang huling araw ng pagpaparehistro ngayon buwan ng Setyembre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *