NAPOCOR, mas malaki ang balak na idagdag singil sa kuryente sa business establishments

Mas malaki ang nakaambang pagtaas ng Subsidized Approved Generation Rate sa mga business establishments base sa petisyon ng National Power Corporation.

Ang Subsidized Approved Generation Rate (SAGR) ay subsidiyang nakalaan para sa pag generate ng kuryente at pag produce nito na sya namang ibinibigay sa mga Electric Cooperatives tulad ng PALECO.

Kahapon ng umaga ay nagkaroon ng Public Hearing ang NAPOCOR at Energy Regulatory Commission sa opisina ng PALECO at doon nila ipinresenta ang kanilang Petisyon sa pagtataas ng SAGR.

Isa sa kanilang inihain ay ang mas mataas na dagdag sa SAGR sa mga business establishments kumpara sa mga residential areas, dahil anila sila ang sektor na mas malaki ang nakokonsumong kuryente at ang may mas kakayanang magbayad nito.

Nasa Petisyon ng NAPOCOR ang pagdagdag singil nila ng ₱2.65 sa mga Commercial at Industrial Areas Doble kumpara sa mga residential areas na nasa ₱1 lamang.

Samantala, kung maaaprobahan ang petisyong kanilang inihain ay magkakaroon ng dagdag singil sa ating kuryente ng nasa piso hanggang dalawang piso kada kilowatt/hr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *