National Land Use Act sigaw parin ng Sumilao at iba pang Farmer’s Organization

NAGA CITY- Tumungo na sa Naga City ang Sumilao Farmers mula Bukidnon at iba pang mga farmer’s organizations matapos dumaan sa Iriga City, Camarines Sur.

Kung maalala 2007 o 15-taon na ang nakararaan nang naglakad mula sa Bukidnon patungo sa Maynila ang Sumilao Farmers sa mithiing tunay na makamit ang kanilang ancestorial domain o mga lupain, pangalawa ay ang mapalawig ang Comprehensive Agrarian Reform Program at ang patuloy na binubuno ngayon sa kongreso na National Land Use Act.

Ayon kay Pambansang Kilusan Ng mga Samahang Magsasaka (PAKISAMA) Chairman Noland Peñas, tiwala silang mapapakinggan muli ang kanilang mga ninanais tulad noon. Naglalakad sila sa prinsipyong pakikibakang hindi marahas.

2007 nang i-welcome sa Naga ni dating Alkalde , Department of Interior and Local Government o DILG Sec. Jesse Robredo ang mga magsasakang nag mamartsa.

Ang yumaong dating kalihim at ang maybahay na abogadong si Vice President Leni Robredo ay tumindig para sa kanila.

Habang abala sa isang press conference ang tatlong mga kandidato sa pagkapangulo na nais na mag withdraw ang kaisa-isang babaeng kandidatong pangulong si Robredo, kaharap nito ang mga magsasaka. Ayon kay Bajekjek Orquillas marami na ang nabago sa kanilang hanapbuhay 15 taon na ang nakararaan. Aniya ang Lakad ng Pamilyang Magsasaka ay hindi pagtanaw ng utang na loob  sa isang politiko o kay Robredo bagkus dati na siyang bahagi ng pamilyang ipinaglaban ang mga lupain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *