Celtics binuhat ni Tatum kontra Nets, 115-114

Nakauna na ang Boston Celtics sa 1st round ng NBA playoffs series kontra Brooklyn Nets.

Susi sa panalo ang buzzer beater lay-up ni Jayson Tatum para kunin ang 115-114 score.

Naging dikdikan ang laban ng dalawang koponan mula sa unang quarter hangang sa huling segundo ng laro.

Nagtala si Tatum ng kabuoang 31 points, 4 rebounds, at 8 assists para pangunahan ang Boston.

Humakot naman ng tig-20 puntos sina Al Horford at Marcus Smart habang may 23 puntos si Jaylen Brown.

Samantala tuloy-tuloy naman ang magandang laro ni Kyrie Irving matapos muling magtala ng 39 points habang may 23 points naman si Kevin Durant para sa Brooklyn.

Muling maghaharap ang dalawang koponan sa Huwebes, Abril 23, sa homecourt pa rin ng Celtics.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *