Navotas police, iniwan ang katawan ni Jemboy na palutang lutang sa ilog

Iniwan ng Navotas Police ang katawan ni Jemboy Baltazar na palutang lutang sa ilog matapos itong nabaril dahil napagkamalang suspek.

Ayon sa nanay ni Baltazar, pinabayaan lang ng mga pulis ang anak niya, at tinratong pusa o aso dahil hindi man lang tinanong ang pangalan.

Dagdag pa niya, tanghaling tapat nangyari ang insidente kaya dapat nakita man lang nila ang mukha kung sino ang binaril ng mga ito.

Kung maaalala, ang anim na pulis na sangkot sa mistaken identity incident ay kasalukuyang nakakulong at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide bukod pa ang isinampang kasong administratibo laban sa mga ito. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *