NBA: Kyrie Irving, planong mag-extend sa Nets

Plano ni star guard Kyrie Irving na lumagda ng kontrata na mag-eextend sa kanya sa Brooklyn Nets ngayong offseason.

Ang seven-time All-Star ay magiging unrestricted free agent ngayong summer, pero sinabing gusto niyang maglaro kasama ang teammate na si Kevin Durant.

Ang 30-anyos na player ay nasa final guaranteed season na ng kanyang four-year, $136.5 million contract na nilagdaan noong July 2019.

May hawak naman itong player option na $36.5 million para sa 2022-23 season.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *